Tama..! Ito ang Luneta Park na mas kilala sa tawag na Rizal Park.
Magandang pasyalan ito hindi lang ng magkakaibigan pati ng buong mag-anak. Sapagkat maeenjoy mo ang masaya piknik dahil sa sariwang hangin at malinis na kapaligiran.
Sa pamamasyal, minsan hindi natin maiiwasan na mapahiwalay ang mga batang makukulit sa kasama nilang magulang o mga nagbabantay sa kanila. Dito sa munting bahay na ito dinadala ang mga batang napahiwalay habang namamasyal. Ginawa ito upang mas mapadali ang paghanap sa mga batang nawawala.
Pamilyar ka ba sa eksenang ito..?
May mga munting rebulto na nakatayo sa isang sulok ng parke na nagpapakita ng mga huling
kaganapan sa buhay ni Dr.Jose
Rizal. Ipinapakita ng mga estatwang
ito ang isang makasaysayang
pangyayari na nagpamulat sa
diwang Pilipino.
Ito ay isa sa pinakamakasaysayang munumento sapagkat ito ay nag papahiwatig ng pagiging bayani ng isang Pilipinong doktor na nagbuwis ng sariling buhay sa pamamagitan ng kanyang mga nailimbag na libro kagaya ng Noli Me Tanghere at El Filibusterismo. Ang doktor na ito ay walang iba kundi ang ating pambansang bayani na si Dr.Jose Rizal.
Bilang pagkilala sa kanyang mga nagawa ito ay binabantayan ng dalawang gwardiya upang lalo itong mapangalagaan.
Ito ang isa sa mga nakadadagdag na atraksyon sa parkeng ito. Ito ang Dancing Fountain na talaga namang inaabangan at pinapanuod ng napakaraming pamilya tuwing pasko at bagong taon.
Pagsapit ng gabi, ang parkeng ito ay lalong pinapaganda ng mga ilaw o liwanag na nakapaligid dito. Kaya maraming pamilya ang nagpapalipas ng gabi dito lalo na tuwing may okasyon.
"Kaya't halinang dalawin ang parkeng atin"